Pangulong Tsino, dumalo sa Taunang Sesyong Plenaryo ng CCDI; korupsyon mahigpit na paparusahan

2021-01-23 11:06:13  CMG
Share with:

Idinaos sa Beijing nitong Biyernes, Enero 22, 2021 ang Taunang Sesyong Plenaryo ng Ika-19 CPC Central Commission for Discipline Inspection (CCDI). 

Dumalo at bumigkas ng talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa. 

Pag-aaralan at isasaayos sa pulong ang gawain ng pagsusuri sa disiplina sa kasalukuyang taon. 

Ayon sa mga detalye ng naunang idinaos na Pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, gagawing pokus ng gawain ang pagpapalalim ng reporma sa sistemang tagapagsuperbisa at tagapagpasuri sa disiplina at pagpapasulong ng pangangasiwa alinsunod sa batas. 

Noong isang taon, napagkasunduang  gagawing mas magiging mahigpit ang kaparusahang ibibigay ng Tsina sa krimen ng korupsyon.  

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method