Ipinahayag Hunyo 3, 2021 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ilegal at peke ang umano’y “Uighur Tribunal” na idaraos sa London, Britanya upang suriin ang umano'y “isyu ng genocide” sa Xinjiang.
Aniya, ang napabalitang “Uighur Tribunal” ay binubuo ng grupo ng mga indibiduwal na naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagkontra sa Tsina, at ang “tagapangulo” nito ay ang “World Uyghur Congress,” organisasyong nagkakalat ng seperatismo sa Xinjiang.
Sinabi rin ni Wang na ang pekeng “Uighur Tribunal” ay walang anumang relasyon sa batas.
Ito ay kalapastangan sa batas, diin niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio