Noong Mayo 28 hanggang Mayo 29, 2014, dumalo at nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ikalawang Sentral na Talakayan sa mga Gawain kaugnay ng Xinjiang.
Ipinasiya sa nasabing pulong na itaas ang plano ng pagpapaunlad ng Timog Xinjiang sa pinakamataas na lebel ng pambansang disenyo.
Sa kanya namang talumpati sa Ikatlong Sentral na Talakayan sa mga Gawain kaugnay ng Xinjiang na idinaos noong 2020, binigyan-diin din ni Pangulong Xi na dapat buong lakas na pasulungin ang kabuhayan at lipunan, at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Timog Xinjiang.
Aniya pa, dapat ibigay ang mas maraming pansin sa pagkakaisa ng iba’t ibang nasyonalidad.
Sa patnubay ni Pangulong Xi, mabilis na umuunlad ang Timog Xinjiang. Ngayon, mahigit 2.6 milyong populasyon ang nakahulagpos na sa karalitaan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos