Bakuna kontra COVID-19, walang patid na ipinagkakaloob ng Tsina sa daigdig

2021-06-07 16:58:54  CMG
Share with:

Ipinahayag Hunyo 7, 2021, ni Li Xingqian, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, mahigit 40 bansa na ng daigdig ang nabigyan ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ng Tsina.

 

Ipinahayag pa niyang inilagay na ang bakuna ng Sinopharm at Sinovac sa listahan ng pangkagipitang pagagamit ng World Health Organization (WHO).

 

Ipinakikita nito aniyang ang mga bakunang Tsino ay ligtas at mabisa.

 

Kasabay nito, ipinagkakaloob din aniya ng Tsina ang tulong na bakuna sa 88 bansa at 4 na organisasyong pandaigdig.

 

Ayon naman kay Qian Chunying, isa pang opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na hangang Hunyo 6, 2021, naipinadala na ng Tsina ang  mga bakuna sa 66 bansa at 1 organisasyon, na gumanap ng mahalagang papel para sa pagpapanumbalik ng trabaho at pagbuti ng kabuhayan at kalagayan ng naturang mga bansa at organisasyong pandaigdig.

Bakuna kontra COVID-19, walang patid na ipinagkakaloob ng Tsina sa daigdig_fororder_bakuna02

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method