EUA ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac, inaprobahan ng Bangladesh

2021-06-07 16:20:21  CMG
Share with:

EUA ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac, inaprobahan ng Bangladesh_fororder_20210607Sinovac

Inaprobahan nitong Linggo, Hunyo 6, 2021 ng Directorate General of Drug Administration (DGDA) ng Bangladesh ang emergency use approval (EUA) sa bansa ng CoronaVac, bakunang gawa ng Sinovac Research & Development Co., Ltd ng Tsina.
 

Ito ang ika-2 bakunang Tsino kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na may EUA sa Bangladesh.
 

Naunan rito, noong nagdaang Abril, ibinigay ng pamahalaan ng Bangladesh ang EUA sa bakunang gawa ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm.
 

Noong huling hati ng Mayo, sinimulang iturok ang bakuna ng Sinopharm sa mga mamamayang lokal.
 

Ayon sa pinakahuling datos ng departamento ng kalusugan ng Bangladesh nitong Linggo, 810,990 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 12,839 ang mga pumanaw.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method