Sa ilalim ng temang “Pagtatatag ng bagong estruktura, pagbabahagi ng bagong pagkakataon,” idaraos Hunyo 8, 2021, sa lunsod Ningbo ng lalawigang Zhejiang ng Tsina ang Ikalawang China-Easteren European Countries (CEEC) Investment and Trade Expo.
Ang pagdarausan ng nasabing ekspo ay may tatlong sona ng pagtatanghal na sumaklaw ng 200 libong metro kuwadrado, na lalahukan ng mahigit 2 libong exhibitors at mga 6 libong mga mamimili galing sa Tsina.
Bukod dito, dadalo sa ekspo ang mahigit 40 embahador ng iba’t ibang bansa sa Tsina, 260 kinatawan mula sa pamahalaan at kompanya ng iba’t ibang bansa, at mga kinatawan galing sa 27 lunsod at lalawigan ng Tsina.
Ang Serbiya at Czech ay mga guest of honor ng ekspong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio