Pangulong Tsino, pinapurihan ang bilateral na relasyon sa Poland

2021-03-02 11:30:31  CMG
Share with:

Nag-usap nitong Lunes, Marso 1, 2021 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Andrzej Duda ng Poland.
 

Tinukoy ni Xi na ang Poland ay malaking miyembro ng Central and Eastern European countries (CEECs) at mahalagang kasapi ng Unyong Europeo (EU). Ito rin ang komprehensibo’t estratehikong partner ng Tsina sa Europa. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, kailangang palakasin ng kapuwa panig ang estratehikong pag-uugnayan, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at magkasamang harapin ang iba’t ibang panganib at hamon.
 

Diin ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob sa abot ng makakaya ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa panig Polish, batay sa pangangailangan ng Poland.
 

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kaukulang mekanismo sa loob ng balangkas ng kooperasyong Sino-CEEC, pasusulungin ng panig Tsino ang pag-aangkat ng mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural at pagkain ng Poland, dagdag niya.
 

Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Polish, upang mapasulong ang pagtamo ng kooperasyong Sino-CEEC at relasyong Sino-Europeo ng mas maraming bunga.
 

Saad naman ni Pangulong Duda, matagumpay na nangulo kamakailan si Pangulong Xi sa virtual summit ng CEEC at Tsina, at mahalagang mahalaga ito para sa pagpapasulong sa kooperasyon ng Tsina at CEEC, at pagbibigay-tulong sa pagbangon ng kabuhayan ng CEEC pagkatapos ng pandemiya.
 

Nakahanda ang Poland na patuloy na gumawa ng ambag para sa kooperasyon ng Tsina at CEEC, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method