Shanghai, Tsina—Ginaganap ngayon ang Ika-27 Shanghai TV Festival.
Ang kasalukuyang pestibal ay nakapokus sa limang paksang kinabibilangan ng pagsisigasig ng Tsina nitong nakalipas na 100 taon, komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan, Belt and Road, magkakasamang paglaban sa pandemiya, at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Halos 900 likhang-sining mula sa 40 bansa’t rehiyon ang nagkokompetisyon para sa Magnolia Awards sa kasalukuyang taon.
Sampung de-kalidad na foreign TV production mula sa Denmark, Pransya, Alemanya, Britanya, Estados Unidos, Italya, at Poland ang mga kandidato para sa Best Foreign TV Film/Miniseries at Best Foreign TV Series/Serial.
Ang kasalukuyang taon ay ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Isang serye ng aktibidad ang ilulunsad hinggil sa temang ito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Ika-23 SIFF, ipininid; mahigit 160,000 person-time, kabuuang bilang ng mga manonood
Masterclass ni Brillante Mendoza sa SIFF, mabungang pagbabahagi ng kaalaman at karanasan
Allen Dizon, natuwa sa mainit na pagtanggap ng kanilang mga pelikula sa SIFF
Direk Brillante Mendoza, nagsisikap para sa pagbuo ng identidad ng pelikulang Pilipino