Ministrong panlabas ng Tsina at Timog Korea, isusulong ang alituntunin ng mapagkaibigang kapit-bansa, at magkasamang pag-unlad

2021-06-10 15:47:18  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Hunyo 9, 2021, kay Chung Eui-yong, Ministrong Panlabas ng Timog Korea, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang “Indo-Pacific Strategy” ng Amerika ay hitik ng kaisipan ng Cold War; hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at buong tatag na tinututulan ng Tsina.

Ministrong panlabas ng Tsina at Timog Korea, isusulong ang alituntunin ng mapagkaibigang kapit-bansa, at magkasamang pag-unlad_fororder_wangyi

Aniya, bilang magkaibigang kapit-bansa at estratehikong mag-partner, dapat igiit ng Tsina at Timog Korea ang tumpak na paninindigan at sundin ang komong pulitikal na palagay kaugnay ng usaping ito.

 

Sinabi ni Wang na dapat patuloy na isagawa ng dalawang panig ang Kooperatibong Mekanismo ng Tsina at Timog Korea sa Magkasamang Pagpigil at Pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at “berdeng tsanel,” para igarantiya ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa kasabay ng pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

 

Aniya pa, kailangang pabilisin ang ikalawang yugto ng talastasan hinggil sa kasuduan ng malayang kalakalan ng Tsina at Timog Korea, at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa high-tech at bagong industriya, para walang humpay na pasulungin at palalimin ang magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa na may mataas na kalidad.

 

Samantala, ipinahayag ni Chung Eui-yong na nakahandang magsikap ang Timog Korea, kasama ng Tsina, para palalimin ang patitiwalaang pulitikal ng isa’t isa at palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag din niya ang mahigpit na mithiin ng Timog Korea sa pagpapabuti ng relasyon sa Hilagang Korea at pagpapasulong ng proseso ng kapayapaan sa Korean Peninsula.

 

Inaasahan ni Chung Eui-yong na patuloy na gaganap  ng mahalagang konstruktibong papel ang Tsina sa isyu ng Korean Peninsula.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method