Sa pag-uusap sa telepono nitong Martes ng gabi, Enero 26, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, ipinaabot nila sa isat-isa at mga mamamayan ng Tsina at Timog Korea ang pagbati ng Manigong Bagong Taon.
Tinukoy ni Xi na ang susunod na taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea, at kahaharapin ng relasyon ng dalawang bansa ang bagong pagkakataon ng pag-unlad.
Kasama ang panig Timog Koreano, binigyang-diin ni Xi, na nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig upang magkasamang mapangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan.
Ipinahayag naman ni Moon Jae-in ang kahandaan na palalimin ang pakikipagpalitan sa panig Tsino para patuloy na mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio