Video speech, binigkas ni Wang Yi sa Geneva Disarmament Conference

2021-06-12 13:44:01  CMG
Share with:

Sa kanyang video speech nitong Biyernes, Hunyo 11, 2021 sa Geneva Disarmament Conference, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang multilateralismo ay tumpak na landas na dapat buong tatag na tahakin ng iba’t-ibang bansa.

Ani Yang, dapat igiit ng iba’t-ibang bansa ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng bagong ideyang panseguridad, at dapat ding buong sikap na pasulungin ang proseso ng pagkontrol sa armas, disarmamento, at pagpigil sa pagkalat ng mga ito sa buong daigdig.

Tinukoy ni Wang na dapat gumawa ng desisyong pulitikal ang Amerika at Iran sa lalong madaling panahon at palakasin ang diplomatikong pagsisikap para mapasulong ang pagbalik ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran sa tumpak na landas.

Itinataguyod aniya ng panig Tsino ang pagtatatag ng multilateral na platapormang panseguriad at pandiyalogo para unti-unting mabuo ang estrukturang panseguridad sa rehiyong Gitnang Silangan.

Tungkol sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, ipinahayag ni Wang na lagi’t laging naninindigan ang panig Tsino sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula[s1] .

Iginigiit din aniya ng Tsina ang paglutas sa mga kaukulang isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method