Brussels, Belgium - Sa proklamasyong inilabas kamakailan ng Summit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), ipinahayag nitong ang Tsina ay nagdudulot ng “sistematikong hamon” sa kaayusang pandaigdig at larangang may kaugnayan sa seguridad ng NATO.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Hunyo 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay hindi idinudulot ng “sistematikong hamon” sa sinuman.
Aniya, buong tatag na ipagtatanggol ng Tsina ang sariling soberanya, seguridad at pag-unlad.
Binigyang-diin din niyang, iisa lang ang sistemang pandaigdig, kung saan ang nukleo ay United Nations (UN), at iisa lang ang kaayusang pandaigdig na ang pundasyon ay pandaigdigang batas.
Salin: Lito
Pulido: Rhio