Ang Hunyo 15, 2021 ay Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Noong una, mayroon lamang itong 6 na miyembro, pero ngayon, mayroon na itong 8 miyembro, 4 na bansang tagamasid, at 6 na dialogue partner.
Bilang mekanismo ng rehiyonal na kooperasyon kung saan, nagtatagpo ang magkakaibang kalagayan ng iba’t ibang bansa, palaging pinapanatili ng SCO ang “diwa ng Shanghai:” na nangangahulugang pagtitiwalaan sa isa’t isa, mutuwal na kapakinabangan, at pagkapantay-pantay.
Magkakasamang pinapaunlad ng iba't ibang bansa ng SCO ang kanilang sarili, batay sa pundasyon ng paggalang sa isa't isa.
Dahil dito, dinulot ng SCO ang bagong modelo ng kooperasyon sa larangan ng mapagkaibigang pakikipamumuhayan ng iba’t ibang bansa, at natamo ang dakilang bunga sa iba’t ibang larangan.
Bukod dito, hindi lamang malakas na napangalagaan ng SCO ang kapayapaang panrehiyon at pinasulong ang pag-unlad ng rehiyong ito nitong 20 taong nakalipas, itinatag din nito ang modelo para sa pangangalaga ng multilateralismo at pagpapasulong ng demokrasya ng relasyong pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio