Ayon sa pinakahuling datos ng Ikapitong Pambansang Sensus ng Tsina, mahigit 14.6 milyong populasyon ang namumuhay sa mga lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang.
Ito ay katumbas ng mahigit 56% ng kabuuang populasyon ng naturang rehiyon.
Kumpara sa datos ng Ika-anim na Pambansang Sensus, 5.27 milyon ang dumagdag sa mga namumuhay ngayon sa mga lunsod ng Xinjiang, at ang proporsyong ito ay tumaas ng 13.73 percentage points.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio