Airstrike, muling inilunsad ng Israel sa Gaza

2021-06-18 15:21:20  CMG
Share with:

Muling inilunsad gabi ng Hunyo 17, 2021, ng tropa ng Israel, ang airstrike sa mga target ng Palestina sa Gaza Strip. Hanggang ngayon, walang naiulat na kasuwalti. Ito ang unang airstrike ng Israel sapul nang magsimula ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Islamic Resistance Movement (Hamas) noong nakaraang Mayo.

 

Ayon sa pahayag na ipinalabas kagabi ng Israel Defense Forces, nauna rito, inatake ng mga Palestino ang Israel sa pamamagitan ng mga incendiary balloons nang araw rin iyon.

 

Bilang tugon, ipinadala ng Israel ang fighter planes para bigayan-dagok ang Hamas. Inatake nila ang mga military compounds ng Hamas na matatagpuan sa lunsod ng Khan Yunis sa dakong timog ng Gaza Strip.

Airstrike, muling inilunsad ng Israel sa Gaza_fororder_bayi_conew1

Salin:Sarah

Pulido:Jade

Please select the login method