Sa pag-uusap Mayo 30, 2021, sa Cairo, Ehipto, tinalakay nina Sameh Shoukry, Ministrong Panlabas ng Ehipto, at kanyang counterpart na si Gabriel Ashkenazi ng Israel, ang pagsasagawa ng tigil-putukan ng Palestina at Israel.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng kapuwa panig na palakasin ang koordinasyon para pasulungin ang proseso ng kapayapaan ng Gitnang Silangan.
Ayon sa pahayag na ipinalabas nang araw rin iyon ng Ministring Panlabas ng Ehipto, ipagpapatuloy ang pakikipagsanggunian sa awtoridad ng Palestina para “hanapin ang paraan upang makahulagpos sa kasalukuyang stalemate sa proseso ng kapayapaan.”
Bukod dito, tinalakay din ng dalawang panig ang tungkol sa rekonstruksyon sa Gaza strip.
Samantala, ito ang kauna-unahang pagdalaw ng ministrong panlabas ng Israel sa Ehipto sapul noong 2008.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio