Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Hunyo 21, 2021, 25 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland. 23 sa mga ito ay galing sa labas ng bansa at 2 domestikong kasong naitala sa Lalawigang Guangdong.
Hanggang magha-hati gabi ng Hunyo 21, 2021, 512 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Frank