Ayon sa balita ng Departamento ng Pulisya ng Lalawigang Yunnan sa dakong timog ng Tsina, bilang paggunita sa Ika-34 International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking o World Drug Day sa Hunyo 26, 2021, sinimulan na Tsina, Laos, Thailand at Myanmar nitong Martes, Hunyo 22, 2021, ang Ika-106 na magkakasamang pamamatrolya at pagbibigay-dagok sa krimen hinggil sa ipinagbabawal na droga. sa Mekong River.
Kasabay nito, sinimulan din nila ang anti-drug publicity.
Pagpasok ng taong ito, sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga kinauukulang departamento ng 4 na bansa, mabunga ang mga aksyon laban sa droga, at malakas na ibinigay-dagok ang mga krimen hinggil sa drug sa Ilog ng Mekong.
Salin:Sarah
Pulido:Jade