Tsina sa EU: itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong

2021-06-24 17:24:21  CMG
Share with:

Ipinahayag Hunyo 23, 2021, ng tagapagsalita ng Misyon ng Tsina sa European Union (EU) ang kawalang-kasiyahan at pagtutol sa pahayag ng EU External Action tungkol sa pagsasara ng negosyo ng Apple Daily ng Hong Kong.

 

Sinabi ng tagapagsalita, na sa pangangatwiran ng kalayaan sa pamamahayag, nakikialam ang panig ng EU sa mga suliranin ng Hong Kong, at suliraning panloob ng Tsina. Ito aniya ay paglabag sa pandaigdigang batas, at saligang norma sa relasyong pandaigdig.

 

Sinabi rin ng tagapagsalita, na ang mga aksyon ng pulisya ng Hong Kong laban sa mga indibiduwal at kompanyang pinaghihinalaang makasira ng seguridad ng bansa, ay alinsunod sa batas, at layon nitong pangalagaan ang batas at kaayusan ng lipunan. Walang itong anumang relasyon sa kalayaan sa pamamahayag, dagdag niya.

Tsina sa EU: itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong_fororder_pingguo

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method