Kampanya, inilunsad ng Hong Kong bilang suporta sa Desisyon ng NPC sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng HKSAR

2021-03-12 16:33:11  CMG
Share with:

Isang kampanya ang inilunsad nitong Huwebes, Marso 11, 2021 ng iba’t ibang sirkulo ng Hong Kong, para mangolekta ng mga lagda bilang suporta sa Desisyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

Kampanya, inilunsad ng Hong Kong bilang suporta sa Desisyon ng NPC sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng HKSAR_fororder_20210312HKSAR1

Tatagal hanggang sa kalagitnaan ng Abril ang nasabing kampanya, at ang pirma ng mga taga-Hong Kong ay kinokolekta, sa pamamagitan ng maraming istasyon sa mga kalye ng buong Hong Kong at online platform.
 

Sa seremonya ng paglulunsad ng nasabing kampanya, inihayag ng maraming tagapag-organisa ng kampanya na ang “pamamahala sa Hong Kong ng mga makabayan” ay nukleong nilalaman ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”
 

Anila, ang pagpapabuti ng sistemang elektoral at komprehensibong pag-aayos ng mga butas ng sistema ay tiyak na makakabuti sa pagbabawas ng alitang panlipunan, paggarantiya sa katatagan at kasaganaan ng lipunan ng Hong Kong, at pagsasakatuparan ng maligayang pamumuhay at pagtatrabaho ng mga taga-Hong Kong.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method