CMG Komentaryo: sintensiya kay Derek Chauvin, hindi magpapabago sa madilim na kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika

2021-06-28 16:01:53  CMG
Share with:

Ayon sa balita kamakailan, sinintensiyahan ng 22 at kalahating taong pagkabilanggo ang dating pulis na si Derek Chauvin kaugnay ng kanyang pagkakapatay sa Aprikano-Amerikanong si George Floyd.

 

Sa kabila nito, ipinalalagay pa rin ng mga Amerikano na hindi mababago ang kalagayan ng diskriminasyon sa loob ng bansa dahil sa iisang kaso lamang.

 

Nitong nakaraang 1 taon, hindi tumitigil ang mararahas na pagpapatupad ng batas at intensyon ng diskriminasyon sa loob ng Amerika.

 

Ayon sa artikulong ipinalabas kamakailan ng “Washintong Post,” ang diskriminasyon at marahas na pagpapatupad ng batas ay nagmumula sa kaibuturan ng sistemang pampulisya ng Amerika. Kung hindi isasagawa ang pundamental na repormang panloob, tiyak na mabibigo ang anumang pagbabago.

 

Pero, sa halip na ipatupad ang pagbabago sa kalagayan ng karapatapng pantao sa loob ng bansa, nakikialam ang ilang pulitikong Amerikano sa mga suliranin ng karapatapng pantao ng ibang bansa.

CMG Komentaryo: sintensiya kay Derek Chauvin, hindi magpapabago sa madilim na kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika_fororder_komentaryo

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method