CMG Komentaryo: CPC, walang humpay na nangangalaga sa karapatang pantao

2021-06-25 19:29:56  CMG
Share with:

Inilabas nitong Huwebes, Hunyo 24, 2021 ng Tsina ang white paper hinggil sa praktika ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao.
 

Ngayong taon ay sentenaryo ng pagkakatatag ng CPC.
 

Sa nasabing dokumento, mababasa ang pagpupursige ng CPC para walang patid na mapasulong ang pambansang usapin ng karapatang pantao nitong sandaang taong nakalipas. Makakatulong din ito sa pagkaunawa ng mga dayuhan kung bakit ang naghaharing partido ng Tsina ay nagsisilbing pundamental na garantiya sa pagpapasulopng sa progreso ng karapatang pantao ng mga mamamayang Tsino.
 

Laging ipinapauna ng CPC ang karapatan at kapakinabangan ng mga mamamayang Tsino. Tulad ng nakasaad sa white paper, ang pagsisikap para sa kaligayahan ng sambayanang Tsino ay ang misyon ng CPC, at ito rin ang batayan ng pagbibigay-galang sa karapatang pantao ng CPC. Ang paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao ay hindi lamang inilakip sa Konstitusyon ng CPC at Konstitusyon ng bansa, kundi nagsisilbi ring isang mahalagang simulain ng pangangasiwa sa estado.
 

Sa mga estratehiya’t planong pangkaunlaran ng Tsina sa iba’t ibang yugto, ang pagpapasulong sa usapin ng karapatang pantao ay nananatiling isa sa mga mahalagang target ng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng bansa.
 

Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon nitong nakalipas na 100 taon, napapatunayan din ng CPC na lagi nitong pinapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.
 

Ayon sa white paper, 26 na pandaigdig na dokumento ng karapatang pantao ang inaprubahan o sinalihan ng Tsina. Kasabay nito, aktibo ang Tsina sa pagdaigdig na pagtutulungan para mapahupa ang karalitaan. Pinapasulong din ng bansa ang pandaigdig na pagtutulungan laban sa COVID-19. Sa pamamagitan ng pagpapasulong ng sinerhiya ng Belt and Road Initiative (BRI) at mga pambansang estratehiya at planong pangkaunlaran ng iba’t ibang bansa, naisasakatuparan ang komong kaunlaran.  
 

Matagumpay na hinanap ng CPC ang isang landas ng pagpapaunlad ng karapatang pantao na angkop sa kalagayan ng sariling bansa. Ito ay lubos na nagpapatunay na ang kahulugan ng karapatang pantao ay hindi dapat itakda lamang ng mga bansang kanluranin.
 

Ang pagsasakatuparan ng paggalang, pangangalaga at pagpapaunlad ng karapatang pantao ay dapat mabatay sa aktuwal na kalagayan ng sariling bansa, at tumahak sa sariling landas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Jade

Please select the login method