Sa kanyang talumpati sa Interactive Dialogue on Transnational Corporations and Human Rights sa idinaraos na Ika-47 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ipinahayag Hunyo 28, 2021 ni Jiang Duan, Ministro ng Misyong Tsino sa Tanggapan ng UN sa Geneva, ang matatag na pagtutol ng Tsina sa paninirang-puri at pagharang ng Amerika sa mga kompanyang Tsino sa katuwiran ng isyu ng karapatang pantao.
Sa katotohanan, layon lamang ng aksyong itong panatilihin ang monopolyo ng Amerika sa industriyang pansiyensiya at panteknolohiya, at pataasin ang di-angkop na kapanakang komersyal ng Amerika, aniya.
Tinukoy ni Jiang na maraming kaso ng “forced labor” sa loob ng Amerika.
Umaabot aniya sa mga 100 libong tao ang ibinebenta sa Amerika bawat taon para sa sapilitang pagtatrabaho.
Dagdag pa ni Jiang, umiiral din ang sapilitang pagtatrabaho sa mahigit 20 industriya ng Amerika na kinabibilangan ng housekeeping, agrikultura, pagtatanim at iba pa.
Hinihimok aniya ng Tsina ang UNHRC na tingnan at siyasatin ang usapin ng sapilitang pagtatrabaho sa Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio