Xi Jinping: paniniwala’t paninindigan ng mga taga-CPC, matibay

2021-06-29 11:23:24  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paggagawad ng medalyang tinaguriang “Medalyang Hulyo Uno” Martes ng umaga, Hunyo 29, 2021, inihayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na taglay ng mga ginawaran ng nasabing medalya ang matibay na paniniwala ng mga miyembro ng CPC.
 

Sila aniya ay may moralidad sa malinis na pagtatrabaho at pagbibigay-ambag sa bansa at mga mamamayan.
 

Diin niya, dapat gawing habang buhay na hangarin ng partido ang pananampalataya sa Marsismo at paniniwala sa sosyalismong may katangiang Tsino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method