"Medalyang Hulyo Uno," igagawad sa mga namumukod na miyembro ng CPC

2021-06-29 09:08:58  CMG
Share with:

Bilang pagdiriwang sa ika-sandaang anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), isang seremonya ng paggagawad ng medalya na tinaguriang “Medalyang Hulyo Uno” ang idaraos para sa mga namumukod na miyembro ng partido,  alas 10:00 ngayong umaga sa Great Hall of the People sa Beijing.  

 

Ang “Medalyang Hulyo Uno”ay ang pinakamataas na karangalang iginagawad ng CPC.

 

"Medalyang Hulyo Uno," igagawad sa mga namumukod na miyembro ng CPC_fororder_af30c1bd0ab04f5f9880d9668b47df3d

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, igagawad sa sentenaryo ng CPC ang nasabing medalya sa mga kasaping  gumawa ng katangi-tanging ambag sa kalayaan ng bansa, reporma’t pagbubukas, pagpapahupa ng karalitaan, pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, at iba pa.

 

Itinatag ang CPC noong Hulyo 1, 1921.  

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

 

Please select the login method