Nakamtan Hunyo 30, 2021 ng Tsina ang sertipikasyon bilang bansang malaria-free mula sa World Health Organization (WHO).
Kaugnay nito, ipinaabot ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO ang pagbati sa Tsina.
Sinabi niyang hindi madali para sa mga mamamayang Tsino na pawiin ang malaria, at ang naturang sertipikasyon ay isang dakilang bunga.
Ang sertipikasyon ng malaria-free ay opisyal na sertipikasyon ng WHO sa isang bansa na walang malaria.
Hanggang sa kasaluukyan, 40 bansa at rehiyon sa buong daigdig ang nagtamo ng sertipikasyong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio