Kaugnay ng darating na sentenaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sunud-sunod na ipinahayag ng mga dalubhasa ng Portugal, Italya, Bulgaria, Bosnia at Herzegovina, Poland at iba pa na binago ng CPC ang kasaysayan ng Tsina, pinamunuan nito ang mahigit 700 milyong populasyon na humulagpos mula sa karalitaan, at pinaunlad ang Tsina sa ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng buong daigdig.
Ang bungang natamo ng CPC nitong nakaraang 100 taon ay lubos na nagpakita sa daigdig na pinili ng mga mamamayang Tsino ang angkop na landas.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio