Isang artikulo ang ipinalabas kamakailan ng mga media ng iba’t ibang bansa bilang papuri sa dakilang bungang natamo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pag-unlad ng kabuhayan.
Ayon sa mga media, ang “pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan” ay pangunahing dahilan para matamo ng CPC ang tiwala ng mga mamamayan.
Ayon sa “Yomiuri Shinbun” ng Hapon, sa pamumuno ng CPC, natamo ng Tsina ang kagila-gilalas na paglaki ng kabuhayan – dahilan upang ang bansa ay maging ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Sa artikulo namang ipinalabas ng “Business Insider” ng Amerika, “LeMonde” ng Pransya, at website ng “The Christian Science Monitor” ng Amerika, nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na tumataas ang suporta ng mga mamamayang Tsino sa CPC dahil walang humpay silang nakikinabang sa pamumuno ng Partido.
Ipinalabas din ng “The Economist,” “The Voice of America,” “Reuters,” “Agence France-Presse (AFP)” at iba pang media na ipinagmamalaki ng mga nakababatang henerasyon ng Tsina ang bungang natamo ng kanilang inangbayan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio