Pagpawi sa malaria, malaking ambag ng Tsina sa kalusugan ng sangkatauhan at progreso ng karapatang pantao sa daigdig

2021-07-01 10:58:28  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Hunyo 30, 2021, sinabi ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagpawi sa malaria ay isang malaking ambag na ginawa ng bansa para sa kalusugan ng sangkatauhan at progreso ng karapatang pantao sa daigdig.
 

Ito aniya ay isa pang mahalagang tagumpay sa usapin ng karapatang pantao ng Tsina, pagkaraang mapuksa ang ganap na karalitaan.
 

Salaysay ni Wang, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping na gawing sentro ang mga mamamayan, at ang maligayang pamumuhay ng mga mamamayan ay pinakamalaking karapatang pantao.
 

Upang maigarantiya ang kalusugan ng mga mamamayan, isinasagawa aniya ng pamahalaang Tsino ang iba’t ibang hakbangin, at natamo ang kapansin-pansing bunga.
 

Dagdag niya, tumaas sa 77.3 taon ang karaniwang haba ng buhay ng mga residenteng Tsino – ito ay  mula 35 taon sa panahon ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
 

Bukod dito,  mas maganda rin kaysa karaniwang lebel ng mga bansang may katamtaman at mataas na kita ang mga pangunahing indeks sa kalusugan, saad niya.

Pagpawi sa malaria, malaking ambag ng Tsina sa kalusugan ng sangkatauhan at progreso ng karapatang pantao sa daigdig_fororder_20210701Malaria2

Aniya, salamat sa artemisinin na natuklasan at hinango ng siyentipikong Tsino mula sa Chinese herbal medicine, ilang milyong buhay sa buong mundo, lalung lalo na, sa mga umuunlad na bansa, ang nailigtas.
 

Ipagpapatuloy ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyong medikal at pangkalusugan, para gawin ang mas malaking ambag sa pangangalaga sa kalusugan at kabiyayaan ng mga mamamayang Tsino, maging ng buong mundo, dagdag ni Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method