Diwa ng pagkakatatag ng CPC, dapat ipagpatuloy – Xi Jinping

2021-07-01 09:43:31  CMG
Share with:

Ipinagdiinan Huwebes, Hulyo 1, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong isang daang taong nakalipas, pinalalakas ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang diwa ng pagtatatag ng partido, bagay na nagbubuo ng  diwang nagpapatuloy sa simulain ng hene-henrasyong mga miyembro ng partido.

Tinukoy ni Xi, na ang paggigiit ng katotohanan at pangarap, pagpapatupad ng orihinal na inspirasyon, pagsasabalikat ng misyon, walang-takot na pagsasakripisyo, magiting na pagpupunyagi, pagiging matapat sa CPC at mga mamamayan, ay ang diwa ng pagkakatayo ng CPC.

Ito aniya ang pinag-ugatan ng diwa ng partido.

Dapat walang hanggang ipagpatuloy ang diwang ito, saad ng pangulong Tsino.  

Si Pangulong Xi ang siya ring  Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method