Sa kanyang talumpati ngayong araw, Hulyo 1, 2021, sa Beijing, bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulo ng bansa, na dapat igiit ang pamumuno ng CPC.
Dagdag ni Xi, ang CPC ay pinili ng kasaysayan at mga mamamayan, at ang pamumuno ng partido ay esensya ng sosyalismong may katangiang Tsino, na siyang ang pinagmumulan ng pinakamalaking bitalidad ng sistemang ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan