Naisakatuparan ng Tsina ang unang pansentenaryong target sa pagtatatag ng may kaginhawahan lipunan sa lahat ng aspekto.
Sa kasalukuyan, umaabante ang buong bansa tungo sa pangalawang pansentenaryong target ng pagtatatag ng dakilang sosyalistang makabagong bansa sa iba’t ibang aspekto.
Ito ang ipinatalastas nitong Huwebes, Hulyo 1, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa selebrasyon ng sentenaryong pagkakatatag ng CPC.
Nitong nakalipas na 100 taon, kinaharap ng CPC ang maraming kahirapan, hadlang, at iba’t ibang pagsubok.
Dahil dito, napakalaking sakripisyo ang ini-alay ng partido.
Pero sa kabilang lahat ng ito, bakit napanaigan ng CPC ang lahat ng mga kahirapan at hadlang, at walang humpay itong umaabante mula isang tagumpay tungo sa mga bagong tagumpay?
Ayon sa talumpati ni Xi sa naturang selebrasyon, ang sagot ay ang diwa ng pagkakatayo ng partido – ibig sabihin, paggigiit ng katotohanan at pangarap, pagpapatupad ng orihinal na inspirasyon, pagsasabalikat ng misyon, walang-takot na pagsasakripisyo, magiting na pagpupunyagi, at pagiging matapat sa CPC at mga mamamayan.
Sa kani-kanilang mesaheng pambati, inihayag naman ng maraming dayuhang mataas na opisyal na nilikha ng CPC ang isang kahanga-hangang landas na may esensya ng laging pagpupunyagi, kasama ng mga mamamayan, sa harap ng hamon o kahirapan.
Sa bagong biyahe ng pag-unlad, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, patuloy na magpupunyagi ang mga mamamayan para likhain ang mas maligayang pamumuhay at mas maraming himalang pangkaunlaran, at ipagkaloob ang bagong pagkakataon sa daigdig, sa pamamagitan ng bagong pag-unlad ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio