Pangulong Lao, bumati sa sentenaryong pagkakatatag ng CPC

2021-07-02 15:03:09  CMG
Share with:

Bilang pagbati sa sentenaryong pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), isang mensahe ang ipinadala kamakailan ni Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng bansa, kay Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino.

Pangulong Lao, bumati sa sentenaryong pagkakatatag ng CPC_fororder_20210702CPC

Anang mensahe, nitong nakalipas na 100 taon, walang humpay na umuunlad at lumalakas ang CPC, lagi itong kumakatawan sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayang Tsino, at lumikha ng dakilang tagumpay.
 

Tinukoy ni Thongloun Sisoulith, na ang Belt and Road Initiative (BRI) at ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan na iniharap ni Pangulong Xi ay angkop sa agos ng pag-unlad ng panahon, at sumusunod sa komong hangarin ng iba’t ibang bansa, kaya malawakan itong pinupuri at kinikilala.
 

Dagdag niya, ang napakalaking tagumpay na natamo ng Tsina ay lubos na nagpapatunay ng katalinuhan at kawastuhan ng pamumuno ng Komite Sentral ng CPC, at komprehensibong nagpapakita ng malinawag na prospek ng sosyalistang sistemang may katangiang Tsino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method