Tsina, handang ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa ibang bansa

2021-07-02 16:12:46  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng Tanggapan ng World Bank (WB) sa Tsina, naging mas malakas ang kompiyansa ng mga mamimili at kompanyang Tsino, at naging mas mabuti rin ang merkado ng lakas-paggawa sa bansa.

 

Aabot anito sa 8.5% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2021.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 1, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malugod na tinatanggap ng bansa ang aktibong pagpasok ng iba’t ibang panig sa pamilihang Tsino.

Tsina, handang ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa ibang bansa_fororder_wangwenbin

Aniya, nais ibahagi ng Tsina ang pagkakataon ng pag-unlad sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa para isakatuparan ang magkakasamang pag-ahon.

 

Dagdag ni Wang, sa kasalukuyan, sinisimulan na ng Tsina ang bagong yugto ng pag-unlad, isinasakatupran ang bagong ideya ng pag-unlad, itinatatag ang bagong kayarian ng pag-unlad, at pinapasulong ang dekalidad na pag-unlad, upang ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon sa pamumuhunan at paglaki para sa mga partner galing sa iba’t ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method