Sa okasyon ng sentenaryong pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng bansa na dapat igiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, paunlarin ang bagong relasyong pandaigdig, pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, pag-ibayuhin ang de-kalidad na pag-unlad ng Belt and Road, at ipagkaloob sa daigdig ang mga bagong pagkakataon, sa pamamagitan ng bagong pag-unlad ng Tsina.
Diin ni Xi, igigiit ng CPC ang kooperasyon, pagbubukas, mutuwal na kapakinabangan, at win-win na situwasyon, habang tinututulan ang komprontasyon, pagsasarado, zero-sum game, hegemonismo at power politics.
Salin: Vera
Pulido: Rhio