CPV, bumati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC

2021-07-02 16:11:31  CMG
Share with:

Sa kanyang manesaheng pambati kay Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kaugnay ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC, ipinahayag ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), na nitong nakaraang siglo, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, itinatag ng mga mamamayang Tsino ang Republika ng Bayan ng Tsina, sinimulan ang usapin ng reporma at pagbubukas sa labas, at pinasulong ang pagpasok ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon.

 

Aniya, pumasok din sa masusing yugto ang usapin ng reporma ng kapuwa Biyetnam at Tsina.

 

Ang pagpapatibay at pagpapasulong ng pangmalayuan, malusog at matatag na pag-unlad ng mapagkaibigan at komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

 

Ito rin aniya ay makakabuti sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang Biyetnam na patuloy na magsikap upang maipatupad ang mga kasunduan at komong palagay na narating ng mga pamunuan ng dalawang bansa, tungo sa pagpapasulong ng bagong pag-unlad ng tradisyonal na magkakaibigang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam, saad pa niya.

CPV, bumati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC_fororder_100

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method