Tsina sa Amerika: agarang itigil ang pagdungis sa National Security Law sa Hong Kong

2021-07-04 10:38:50  CMG
Share with:

Bilang tugon sa muling pagdungis at paninirang-puri ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa pagsisikap at bisa ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa pagbibigay-dagok sa human trafficking, tinukoy ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa HKSAR, na binabalewala ng panig Amerikano ang katotohanan at lipos ng pulitikal na pagkiling.

Ginagamit aniya ng Amerika ang lahat ng pagkakataon para i-demonize ang National Security Law sa Hong Kong. Ipinaabot ng panig Tsino ang buong tinding kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol tungkol dito, sabi niya.

Tinukoy niya na layon ng nasabing batas na bigyang-dagok ang mga krimen na grabeng nagsasapanganib sa pambansang seguridad. Binibigyang-pasura aniya nito ang iilang kriminal lamang, at binibigyang-proteksyon naman ang nakakaraming tao. Hindi ito nakakaapekto sa karaniwang pagpapalitan at pagpapalagayan sa pagitan ng pamahalaan ng HKSAR at iba’t-ibang sirkulo ng lipunan, dagdag niya.

Ipinagdiinan pa niya na ang mga suliranin ng Hong Kong ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi mapapahintulot ang panghihimasok ng dayuhang puwersa.

Hinihimok niya ang panig Amerikano na agarang itigil ang paninirang-puri sa National Security Law sa Hong Kong, at itigil ang pagdungis sa pamahalaan ng HKSAR sa anumang porma at katuwiran.


Salin: Lito

Please select the login method