CMG Komentaryo: Katuwirang “kalayaan sa pamamahayag,” di-maitatago ang tangka ng ilang pilitiko kanluranin

2021-06-30 14:34:35  CMG
Share with:

Makaraang ipatalastas ang suspensyon ng operasyon ng “Apple Daily” at website ng “Apple Daily (Taiwan)” sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), lantarang dinungisan ng ilang politikong mula sa mga bansang kanluraning gaya ng Amerika at Britanya ang panig Tsino.

Sinabi nilang ito ay pagkitil sa “kalayaan sa pamamahayag.”

Ang problema ng “Apple Daily” ay walang anumang kaugnayan sa kalayaan ng pamamahayag, at ito ay lumabag sa National Security Law in Hong Kong.

Sa katuwiran ng umano’y “kalayaan sa pamamahayag,” pinanghihimasukan ng ilang politikong kanluranin ang mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina, bagay na grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.

Buong tatag itong tinututulan ng lahat ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga kababayan mula sa Hong Kong.

Nagbubulag-bulagan ang ilang politikong kanluranin sa problema ng sariling operasyon ng “Apple Daily,” at ibinabaling ang sisi sa pamahalaan ng HKSAR.

Maliwanag itong naglalayong hadlangan ang pag-unlad ng Tsina na kinabibilangan ng HKSAR.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method