Sa kanyang talumpati sa maringal na pagtitipun-tipon bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), solemnang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na komprehensibo nang naitayo ang may kaginhawahang lipunan.
Pero, ano ang kahulugan ng may kagihawahang lipunan? Ang sagot ay matatagpuan sa normal na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Para sa mga mamamayang Tsino, ang may kaginhawahang lipunan ay makikita sa kanilang hapag-kainan.
Ang populasyon ng Tsina ay nasa 1/5 ng kabuuang populasyon ng buong daigdig.
Dahil dio, palagiang nagsisikap ang Tsina para lutasin ang isyu ng pagkain.
Si Ginoong Yuan Longping, na tinaguriang “Ama ng Hybrid na Palay Tsina,” ay buong buhay na nagsikap para itaas ang produksyon palay, upang magkaroon ng sapat na pagkain ang lahat ng mamamayan sa Tsina.
Salu-salo sa bisperas ng Bagong Taong Tsino
Si Ginoong Yuan Longping
Salin:Sarah
Pulido:Rhio