CPC, handang magkaloob ng mas maraming plano at puwersang Tsino para sa proseso ng pagbabawas ng karalitaan

2021-07-06 22:20:24  CMG
Share with:

CPC, handang magkaloob ng mas maraming plano at puwersang Tsino para sa proseso ng pagbabawas ng karalitaan_fororder_20210706summit1550

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng keynote speech Martes ng gabi, Hulyo 6, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa CPC at World Political Parties Summit.

Ipinagdiinan ni Xi na ipapatupad ng CPC ang responsibilidad nito bilang isang malaking partido ng malaking bansa para makapagbigay ng bagong ambag para sa kapakanan ng buong sangkatauhan.

Ani Xi, ang pagpawi sa karalitaan ay komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, at ito rin ay mahalagang hangaring buong sikap na isinasakatuparan ng mga partido ng iba’t-ibang bansa. Nakahanda ang CPC na magkaloob ng mas maraming plano at puwersang Tsino para sa proseso ng pagbabawas ng karalitaan, diin pa niya.

Si Pangulong Xi ang siya ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method