President Duterte, bumati sa sentenaryo ng pagkakatatag ng CPC

2021-07-06 14:58:42  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas kay Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, bilang pagbati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC.
 

Anang mensahe, ang sentenaryong kaarawan ng CPC ay mahalagang punto sa kasaysayan. Sa ilalim ng pamumuno ng CPC at walang tigil na pagsisigasig ng sambayanang Tsino, naisakatuparan ng Tsina ang target ng pagpawi sa karalitaan sa maikling panahon, at natupad ang malaking pagbabago at pag-unlad ng kabuhayan.
 

Saad ni Duterte, ang Tsina ay nagsisilbing ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at makinang nagtutulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, at ito ay dakilang tagumpay na karapat-dapat na ipagdiwang sa kasaysayan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method