Sa hearing ng Komite ng Hudikatura ng Mababang Kapulungan ng Amerika, nitong Hunyo 30, 2021, sinabi ni Tom Burt, Pangalawang Presidente ng Microsoft, na nitong limang taong nakalipas, tinatanggap ng kompanyang ito ang 2,400—3,500 secrecy orders kada taon upang kunin ang user data mula sa departamentong nagpapatupad ng batas, at ang aksyong ito ay walang pahintulot ng mga hukuman ng Amerika.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Hulyo 5, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nanawagan ang Tsina sa komunidad ng daigdig na magkakasamang ilantad ang naturang aksyon ng Amerika na nagbabanta sa cybersecurity at makakapinsala sa mga batas pandaigdig.
Aniya, ang katotohanan ay lubos na nagpapakita na ang Amerika ay ang pinakamalaking banta sa cybersecurity ng buong mundo.
Sa likod ng umano’y pangangalaga sa cybersecurity, ang totoong layon ng Amerika ay pagpigil ng mga dayuhang kompanya at pangangalaga sa hegemonya sa cyberspace.
Salin:Sarah
Pulido:Mac