2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games magiging simple, ligtas at kahanga-hanga

2021-07-08 17:02:27  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Hulyo 7, 2021, sa simposyum na nagpokus sa “Pagpapasulong ng karapatang pantao ng kabataan sa pamamagitan ng palakasan at diwa ng Olympiyada” na idinaos sa panahon ng Ika-47 sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), tinukoy ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Punong Himpilan ng UN sa Geneva, na ang 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games ay magiging isang simple, ligtas at kahanga-hangang kapistahan.

 

Aniya, palagiang pinapasulong ng Tsina ang pambansang estratehiya ng national fitness para pataasin ang lebel ng kalusugan ng mga mamamayan.

 

Sa pamamagitan ng aktibong pakikipagsangkot sa Olympic games, isasakatuparan ng mga kabataang Tsino ang komprehensibong pag-unlad ng kanilang sarili, at pasusulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan, partikular na, mga kabataan ng iba’t ibang bansa, at ibibigay ang mas malaking ambag para sa kaunlaran ng buong sangkatauhan.

 

Sa talumpati ng mga kinatawan mula sa Rusya, Venezuela, Nepal at iba pang mga bansa, nananalig silang ang 2022 Beijing Winter Olympic Games ay tiyak na maging kapistahang pampalakasan na magkakasamang magiging bahagi ang iba’t ibang bansa, at sama-samang tututulan ang pagsasapulitika ng palakasan ng iilang mga bansa.

2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games magiging simple, ligtas at kahanga-hanga_fororder_2022冬奥会

Salin:Sarah
Pulido:Mac

Please select the login method