Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Hulyo 7, 2021, ipinatalastas ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na lumapas na sa 4 na milyon ang death toll ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ayon sa kanya, may malaking posibilidad na mababang ang pagtaya sa naturang bilang ng mga nasawi.
Muling nanawagan siya sa iilang bansa na itigil ang vaccine nationalism, dahil hindi lamang ito imoral, kundi di rin mabisang estratehiya sa kalusugang pampubliko.
Nanawagan din siya sa buong mundo na magbuklud-buklod para labanan ang pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac