Digital COVID-19 certificate, inilunsad ng EU

2021-07-02 16:03:48  CMG
Share with:

Pormal na inilunsad nitong Huwebes, Hulyo 1, 2021 ng Unyong Europeo (EU) ang digital COVID-19 certificate.
 

Layon nitong pasulungin ang pagpapanumbalik ng paggalaw ng populasyon at pagbangon ng kabuhayan sa loob ng EU.
 

May tatlong uri ang nasabing digital certificate na kinabibilangan ng sertipikasyon sa pagbabakuna laban sa COVID-19 na kinikilala ng EU, pinakahuling negative test result, at patunay sa paggaling mula sa COVID-19.

Digital COVID-19 certificate, inilunsad ng EU_fororder_20210702EU

Ang nasabing sertipikasyon ay ibinibigay ng mga pamahalaan ng mga kasaping bansa ng EU, at kinikilala ng mga bansang kasali sa nasabing sistema.
 

Sa di-kinakailangang kondisyon, hindi dapat isagawa ng iba’t ibang bansa ang karagdagang limitasyon sa pagbibiyahe ng mga may-sertipikasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method