Ayon na pahayag nitong Hulyo 9, 2021, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, tumaas ng 1.1% ang growth rate ng Consumer Price Index (CPI) noong Hunyo, 2021 kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon. Bahagyang bumaba ito kumpara sa 1.3% pagtaas noong Mayo.
Samantala, umabot naman sa 8.8% ang paglaki ng Producer Price Index (PPI) ng bansa noong Hunyo, kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Ito ay mas mababa sa 9% na paglaki noong Mayo.
Kaugnay nito, sinabi ni Dong Lijuan, Opisyal ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika na noong Hunyo, matatag na bumangon ang kabuhayang Tsino, sapat ang supply sa consumer market at matatag ang presyo ng mga bilihin.
Salin:Sarah
Pulido:Mac