Ayon sa datos na inilabas Biyernes, Abril 5, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong nagdaang Marso, tumaas ng 0.4% ang Consumer Price Index (CPI) ng buong bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, bumaba ng 0.7% ang presyo ng pagkain, at tumaas naman ng 0.7% ang presyo ng non-food items.
Ayon pa rin sa datos, noong nagdaang Marso, tumaas ng 4.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang Producer Price Index (PPI) ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac