Isang taon nang ipinapatupad ang National Security Law sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina.
Ipinakita ng bunga nito na sa pamamagitan ng pag-implementa ng National Security Law, lubos na napangangalagaan ang kaligtasan ng soberanya ng Tsina at kapakanan ng pag-unlad ng bansa, napangangalagaan din ang interes ng Hong Kong at benepisyo ng mga taga-Hong Kong.
Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na ito, unang una, muling nabigyan ng seguridad ang mga taga-Hong Kong.
Ikalawa, naging mas matatag ang katayuan ng Hong Kong bilang pandaigdigang sentro ng pananalapi, nabigasyon at kalakalan. Noong 2020, pumalo sa US$51.28 bilyon ang pondo ng Initial Public Offerings (IPOs) sa Hong Kong, at bunga nito, humanay ito sa pangalawang puwesto sa daigdig.
Ikatlo, naging mas maliwanag ang kinabukasan ng Hong Kong. Ayon sa estadistika ng pamahalaan ng HKSAR, lumaki ng 7.5% ang kita ng mga taga-Hong Kong noong unang kuwarter sa 2021. Bukod dito, lumaki ng 7.9% ang GDP ng HKSAR noong unang kuwarter kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Bumabangon ang kabuhayan ng HKSAR.
Salin:Sarah
Pulido:Mac