CMG Komentaryo: Patuloy na panggigipit ng White House gamit ang sangsyon, mauuwi sa wala

2021-07-09 11:36:49  CMG
Share with:

Tsina, determinado at may kompiyansang pangangalagaan ang  kasaganaan at katatagan ng Hong Kong

 

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Hulyo 7, 2021 ng White House ang di-umano’y “pagpapatuloy ng national emergency dahil sa Hong Kong.”

 

Muli nitong ipinakikita ang tangka ng administrasyon ni Joe Biden na pakialaman ang mga sulirang panloob ng Tsina sa pangangatwiran ng isyu ng Hong Kong.

 

Labag din ang naturang desisyon ng White House sa mga pandaigdig na batas at saligang norma ng pandaigdig na relasyon.

 

Ginawa ng White House ang nabanggit na kapasiyahan dahil daw ang mga hakbangin at patakaran ng Tsina hinggil sa Hong Kong ay patuloy na nagdudulot ng “banta” sa pambansang seguridad, patakarang panlabas at kapakanang pangkabuhayan ng Amerika.

 

Pinagbaligtad ng Amerika ang tama at mali.

 

Ang Hong Kong ay espsesyal na rehiyong administratibo ng Tsina. Ang pangangasiwa ng pamahalaang sentral ng Tsina sa Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Paano ito nagsisilbing banta sa seguridad ng Amerika?

 

Sa katotohanan, ang pagsuporta ng panig Amerikano sa mga radikal na naghahasik ng kaguluhan sa Hong Kong ay nagsisilbi ng matinding banta sa soberanya, seguridad at kaunlaran ng Tsina.

 

Nitong ilang taong nakalipas sapul nang pairalin ng pamahalaang sentral ng Tsina ng National Security Law sa Hong Kong at prinsipyong ang mga makabayan ang nangangasiwa sa Hong Kong, napangalagaan ang pambansang seguridad, bumalik sa normal ang katatagang panlipunan ng Hong Kong at patuloy na natitiyak ang iba’t ibang karapatan ng mga taga-Hong Kong.

 

Sa kanyang talumpati sa Ika-47 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council noong Hunyo 25, 2021, sinabi ni Joephy Chan Wing-yan, kabataang kinatawan mula sa Hong Kong na mainit na tinatanggap ng mga taga-Hong Kong ang National Security Law dahil nangangalaga ito sa mga karapatan ng tao para magtamasa ng normal na pamumuhay.

 

Isang taon na ang nakakaraan nang magpataw ang panig Amerikano ng sangsyon laban sa Hong Kong, diin nitong maraming bahay-kalakal na dayuhan ang mag-aalis ng kanilang pamumuhunan sa espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina. Pero, taliwas dito, nitong nakalipas na isang taon, mas maraming puhunan ang pumasok sa Hong Kong. Noong 2020, pumalo sa US$51.28 bilyon ang pondo ng initial public offerings (IPOs) sa Hong Kong, at bunga nito, humanay ito sa pangalawang puwesto sa daigdig. Sa ulat naman ng International Monetary Fund (IMF), muli nitong kinikilala ang katayuan ng Hong Kong bilang pandaigdig na sentrong pinansyal.

 

Ang pag-unlad ng Hong Kong ay bunga ng walang patid na pagsisikap ng mga taga-Hong Kong. Umaasa rin ito sa malakas na suporta mula sa inang-bayan. Ang tangka ng panig Amerikano na pigilin ang pag-unlad ng Hong Kong sa pamamagitan ng sangsyon ay hindi umandar noon, hindi rin ito umaandar ngayon, at di aandar sa hinaharap.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method