Maritime Day of China

2021-07-11 14:35:26  CMG
Share with:

Noong Hulyo 11, 1405, isinagawa ni Zheng He, dakilang mandaragat noong Dinastiyang Ming ng Tsina, ang kanyang unang biyahe sa kanluraning dagat, bagay na nagpasimula ng pandaigdigang panahon ng pandaragat.

Idinulot nito ang napakalalim na impluwensiya sa lipunan ng sangkatauhan at relasyong pandaigdig.

Bunga ng pagbiyahe ni Zheng He, nakalabas sa bansa ang mga Tsino patungo sa napakalawak na karagatan.

Ito ay nakalikha ng kahanga-hangang bunga sa malaking arena ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

Sa ngayon, kapansin-pansing bunga ang natamo ng Tsina sa transportasyon at siyentipikong imbestigasyon sa dagat; at pagpapalawak ng pakikipagpalitang pangkabuhayan,  pangkalakalan, at pangkultura sa iba’t-ibang bansa.

Lahat ito ay pagpapatuloy ng bunga at katuturan ng biyahe ni Zheng He sa kanluraning dagat.

Maritime Day of China_fororder_20210711maritimeday

Mula noong taong 2005, itinakda ng Tsina ang Hulyo 11, araw ng unang pagbiyahe ni Zheng He sa kanluraning dagat, bilang Maritime Day of China.

Maritime Day of China_fororder_20210711netongtimbang

Hanggang noong katapusan ng 2020, umabot sa 1,499 ang kabuuang bilang ng mga barkong-patungong dagat ng Tsina, at lampas naman sa 54.57 milyong tonelada ang netong timbang ng mga ito.

Maritime Day of China_fororder_20210711transportasyon

May mahigit 3 milyong kuwadrado kilometro ang saklaw ng dagat ng Tsina.

Sa kalakalang panlabas ng bansa, halos 90% ang naisasakatuparan sa pamamagitan ng transportasyong pandagat.

Maritime Day of China_fororder_20210711Zhenghe

Pitong beses na pinamunuan ni Zheng He ang plotilya papuntang kanluraning dagat.

Layon nitong palanagapin ang pagkakaibigan, pasulungin ang kabuhayan at kalakalan, palalimin ang mapagkaibigang pagpapalitan, na tinatawag na modelo ng pagpapalagayan ng iba’t-ibang bansa sa daigdig.

Maritime Day of China_fororder_20210711XueLong

Ang “Xue Long o Chinare” ay pinakamalaking maritime scientific research ship ng Tsina.

Ito ay may 167 metro na kabuuang haba, may pitong palapag, at maaaring maglulan ng 130 katao. 


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method